About Us

Alamin

Patungkol sa amin

Maligayang pagdating sa opisyal na website ng Momshie at Popshie Single-Parent’s Party List. Dito, kasalukuyan ipinapakita namin ang aming Konstitusyon at alituntunin, ang aming paniniwala, at ang aming tungkulin na lumikha ng isang mas mahabagin, mulat, at may kaalamang lipunan kung saan ang mga solong magulang at kanilang mga anak ay sinusuportahan, binibigyang kapangyarihan, at pinoprotektahan.

Layunin

MOMSHIE & POPSHIE SINGLE-PARENT’S PARTY LIST

Naghahangad ng isang lipunan kung saan ang spiritual, emosyonal at pisikal na mga pangangailangan ng mga solong magulang at ng kanilang mga anak, pangunahin ang mga nagmumula sa mga marginalisado na sector ng lipunan ay tinutugunan ng komunidad at ng pamahalaan; kung saan ang mga solong magulang at kanilang mga anak ay tinuturuan at binibigyang kapangyarihan na ipaglaban ang kanilang mga karapatan at interes sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at kung saan ang mga Karapatan ng mga solong magulang at kanilang mga anak ay pinag-bubuti, itinataguyod at pinoprotektahan.

Bigyang daan na matanto ang kanilang kahalagahan sa lipunan at mapaunlad ang kanilang buong potensyal.
Layunin naming palakasin sila sa pamamagitan ng edukasyon at kolektibong aksyon upang mapabuti at maprotektahan ang kanilang mga karapatan.

Tungkulin

Isulong ang panlipunan at hangaring pang-ekonomiya ng mga solong magulang at ng kanilang mga anak sa pamamagitan ng cross-cutting na mga patakaran at programa, pag-mainstream ng mga kampanya ng kamalayan tungkol sa kanilang mga kaarapatan at pagpapadali sa suportang institusyonal at lehislatibo upang bigyang daan silang matanto ang kanilang kahalagahan sa lipunan at mapaunlad ang kanilang buong potensyal.

MGA PRINSIPYO AT PLATAPORMA NG PAMAHALAAN

Naniniwala na bawat tao anuman ang kaniyang katayuan, kasarian, lahi, at relihiyon ay pantay-pantay sa ilalim ng batas, at dapat itaguyod at ipatupad ang mga pahayag sa ilalim ng Equal Protection Clause ng Saligang Batas ng Pilipinas.

Ang tungkulin na igalang, itaguyod, at sundin ang mga umiiral na batas, mga alituntunin, at pamamalakad, at magtulungan at makipagtulungan sa mga kaukulang ahensya ng pamahalaan para sa kanilang pagpapatupad.

Kinikilala ang tungkulin at kontribusyon ng mga solong magulang sa komunidad at pagbibigay ng pansin sa pagbuo ng mga rekomendasyon sa patakaran sa pag-pa-plano ng mga programa at aktibidad nito, at sa pamamahala ng organisasyon.

Paniniwala

Kami, ang mga Miyembro Momshie and Popshie Single-Parent’s Party List

Ginabayan at pinag-isa ng prinsipiyo ng pagka-kaiba-iba, integridad, paggalng, pantay na karapatan at katarungang panlipunan, at naghahangad ng isang mahabagin, mulat at kaalamang lipunan,sa pamamagitan nito ay nangangakong isulong at ipagtanggol ang mga karapatn at interes ng lahat ng mga solong magulang at ng kanilang mga anak, upang bigyan sila ng kinakailangang impormasyon, serbisyo at suportang psycho-emosyonal, at maging kanilang boses at kampeon sa komunidad, gobyerno, o anumang socio-politikal arena, anuman ang kanilang kasarian, edad, katayuan sa lipunanan, at relihiyon.